"WE BROKE UP AT FEBRUARY 13" chapter 3

writerdavid8 logo Icon

We Broke Up At February 13

CHAPTER 3: "Pagpapangap"

Drake:
"Ang bilis ng panahon muli walong buwan na ang nakalipas Mula noong kami ay naghiwalay pero hanggang ngayon lihim ko parin sinusubaybayan Ang bawat hakbang at mga pangyayari sa buhay ni Anne".
"Masaya ako na nakikita kong umuunlad ang buhay nya ngunit malungkot ako nang makita ko na nililigawan siya ng matalik niyang kaibigan niya na si Anthony. Naiinis ako sa tuwing binibinibigyan siya nito ng bulaklak na hindi ko man lang nagawa nung kami pa. Naiingit ako na nadadala siya ni Anthony sa mga magagandang lugar samantalang Wala kaming napuntahan ng magandang lugar nung kami ang magkasama noon."
Nakikita ko Kung pano sumisikat si Anne bilang Modelo. Nakikita ko lahat ng magandang nangyayari sa kanya simula noong nagkahiwalay kami Kaya Naiisip ko minsan na Tama Lang na naghiwalay kami Kasi mas naging masaya siya matapos nun. pero isang Gabi gumawa ako ng pekeng account para makausap siya nagpakilala ako bilang isang fan nung mga ilang araw ayaw nya Kong pansinin pero nang paulit-ulit akong nagmensahe sa kanya ay nagreply siya. Nagkausap kami nang paulit-ulit at Sa palagay ko mas na kilala ko siya dahil doon nang isaa lang akong stranger sa kanya kumpara noong ako ang nobyo nya.
unti unti napalapit kami sa isat isa at Tumagal Ang paguusap namin ng ilang buwan marami akong nalaman sa kanya tulad ng di pa Niya sinasagot si Anthony at marami rin siyang sinabi na Hindi ko nalaman noon tungkol sa kanya.
Pero Ang pinakagusto sa lahat ng narinig ko ay nang malaman Kong Mahal parin ako Niya kaya nang aking yong marinig ay dalidali kong tinapos ang aking pagpapangap at nagpakilala sa kanya "totoo ba iyang sinasabi mo mahal mo parin si Drake? mahal mo parin ako?" "Anne ako Ito si Drake pasensya nagpanggap ako pero gusto Kong malaman mo na hanggang ngayon Mahal parin kita" Ang sambit ko.
"Totoo ba Yan ? Ikaw nga ba Yan Drake ?" Tanong Niya sa akin.
"Oo ako nga Ito totoo bang Mahal mo pa ko?" Tanong ko Naman sa kanya Pero di na siya sumagot naghintay ako ng ilang minuto pero di parin siya sumasagot kaya ayaw man ng isip ko ginusto ng puso ko napuntahan siya sa kanyang tahanan sa pagmamadali ko Hindi na ko nakakatok at Basta nalang pumasok sa pinto at bumungad sa akin ang maraming Tao nakatingin Kay Anne at Anthony. Nakaluhod si Anthony at may hawak na sising na wariy nagaalok ng kasal Kay Anne"
To be continue...

Chapters

Comments

Popular posts from this blog

"BAGONG USO NA EMOJI'S SINAKOP ANG NEWSFEED SA FACEBOOK"

If Suicide is a Not a Sin